May 10, 2015

Pag-ibig Nga Naman!

"Love is never easy."

Don't you agree?
......


......

Pag-ibig Nga Naman!

Ang mundo ating kinagisnan ay magulong-magulo.
Sa pulitika, sa ating bansa  at maging sa buhay ng tao.
Pero may mas gugulo pa kung tungkol na sa pag-ibig ang itatanong ko?
Sasagutin mo ba ako ng walang pag-aalinlangan at bukal sa iyong sa puso?

Ang pag-ibig nga naman ay sadyang madaya.
Dumadating ng di inaasahan at minsan sa panahong walang-wala ka!

Ang pag-ibig nga naman ay sadyang kay saya,
sapagkat ito nagpapaligaya sa bawat isa.

Ang pag-ibig nga naman ay sadyang napakakulit.
Na kahit may tampo ka sa iyong  iniirog ay walang pakundangan kang kinakalabit.

Pag-ibig dito, pag-ibig doon.
Kahit saan lupalop man ng mundo ay parati itong nakasunod.
At kapag na saktan ka na ay para kang uugo-ugod.


Masakit na parang pasan mo ang mundo kung ito'y ilarawan mo.
Para bang wala ka nang pag-asang mabuhay sa mundong ito.


Hay! pag-ibig nga naman.
Sala sa init, sala sa lamig.
Pero aminin...
Masarap pa rin kapag ika'y umiibig.

6 comments:

  1. very true indeed! ^_*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehehehe...is that base from experience? ^_^

      Delete
  2. True! In love cguro ang writer ani. hehe

    ReplyDelete
  3. LAYO kaayo ang FEb oi! next year na ug lablab :D

    BUt nice poem though. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahahah....Lage! next year pud...Lablab na sad nga poem..

      Thanks Yhannie! ♥

      Delete